There are times when a woman has to say what's on her mind
even though she knows how much it's gonna hurt
.
torn between two lovers
When she cries
at night
,and she doesn't think that I can hear her.
She tries
to hide
all the fear she feels inside
,So I pray
this time
I can be the man that deserves
cause I die
a little each time.
When she cries
anything about me??!huh??! next time na lang!:)
herminio. herminio. herminio.
tumitig sa tao hanggang maglaway at matunaw.
gumawa ng di-inaasahang bagay.
FS class observation.
hindi kumain ng lunch.
PBB is back!:).br>
mga oras na walang magawa.
TUESDAY and THRUSDAY!.
library; socsci section.
...dead air...
comparative government and politics.
pneumochurvavolcanism.
umuwi ng mag-isa?!:(.
La Vendetta.
modules and assignments.
addition property.
...
friend
Kiel
Jaro
Oyie
Marthie
Joanne
November 2005
December 2005
January 2006
March 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
May 2007
June 2007
August 2007
September 2007
February 2008
Designer:
Sillyclock
Image Hosted by: Photobucket
Actual Image: *
Brushes:*
*
*
.:bird drama:. Labels: buhay
Siguro nga nakalimutan ko na yung mga sakit sa akin, nawala na. Natutunan ko na rin ang ipagkatiwala ang anumang hindi sa akin o hindi kailanman magiging akin kasi nga mahinang tao ako, laging takot, hindi marunong lumaban, lalaban lang kung kalian mahina ang kalaban, yung tipong alam kong mananalo ako kahit masaktan ako. Wala talaga akong lakas para lumaban, minsan nga tinanong ko sa sarili ko, “Bakit ang hina kong tao?”, “Bakit kailangan mangyari sa akin ito?”. Ang hirap ng puro tanong sa buhay, hindi mo alam kung ano ang uunahin mong sagutin sa libo-libong tanong na gusto mo nang sagutin, ang hirap… Pero hindi naman talaga yan ang problema ko, hulaan nyo kung ano, ang nakaraan ko…ang nakaraang nararadaman ko sa isang tao…
Dati ayos naman ang samahan namin, mukha kaming mga batang naglalaro sa arawan, halos masunog ang balat sa sikat ng araw, nakakatuwa, kaya nga doon nagsimula ang kakaibang pintig, ang bilis, parang tumakbo ako ng isang kilmetro ang layo, hindi ko alam kung bakit… ayun pala, may pag-ibig na sa akin, kung gayon nga hindi ko pinaramdam o sinabi, tinago ko lang hanggang di ko na kaya, oras at panahon ang dumaan, meron na nga siya, meron siyang kasintahan…masakit…mahirap sa dibdib, hanggang di ko na nakayanan at sinulat ko na lang, ano naman ang masama diba? Wala naman mawawala kung ito lang talaga yung paraan para gumaan ang loob ko.
Minuto, oras, araw at taon ang lumipas…
Parang natanggap ko na rin, na hindi talaga para sa akin, kaya tuloy lang ang buhay ko, masaya at walang iniintinding problema. Hanggang sa isang araw nagkita ulit kami, parang wala lang yung mga nangyari sa amin, wala rin yung sulat, yung mga away at iyakan, parang bagong kami yun. Kwentuhan at kamustahan… tapos parang bumabalik yung dati, yung mga alaala ng nakalipas, yung naglalaro sa initan ng araw, naghahabol ng paru-paro sa hardin at namimitas ng bulaklak para sa kasiyahang walang humpay, kung yun lang ang tanging paraan para sumaya. Biglang tulad ng dati, teks teks ulit, kamustahan at kwentuhan… masaya ulit ako kasi bumalik yung nakaraan, yung nararamdaman ko, kakaiba…hindi ko maipaliwanag…parang pag-ibig ulit? Pero hindi pwede, bura…bura…bura… hindi na pwede, kasi nga meron na sya, at ako wala pero parang meron na din
Hindi ko talaga mapaliwanag ang buhay, parang minsan pinaglalaruan ako, kung ganun nga, parang masaya na rin ako kasi tila tsubibo ang buhay, galing ka sa baba pagkatapos ng ikot mo sa taas ng buhay mo, bababa ka rin, babalik ka rin sa dati mo…ayun naman talaga ang kadalasang tingin sa buhay. Pero sa akin iba, parang ‘horror train’ sa karnibal, hindi mo alam kung ano ang nasa loob, kung ano ang naghihintay sa’yo, kung ano ang mararamdaman mo…walang kasiguruhan ang buhay, hindi mo alam kung ano ang laan para sa iyo pwera na lang kung susubukan mong buhayin ang buhay na laan sa iyo…